PUV DRIVERS, BINIGYAN NG PAMASKONG HANDOG NG LTFRB

Humigit kumulang 200 PUV drivers ang inabutan ng pamaskong handog ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 2.

Ang mga nakatanggap ng munting regalo mula sa ahensya ay ang PUV drivers mula sa iba’t ibang transport terminal sa Tuguegarao City, Cagayan.

Upang maisakatuparan ang aktibidad ay nagsagawa ang mga kawani ng LTFRB ng surprise checkpoint kung saan lahat ng naparang mga PUV drivers ay inabutan ng regalo.

Bukod dito, nag-ikot din sila sa mga terminal sa nasabing lungsod upang bigyan din ng munting regalo ang mga nakapilang driver na naghihintay ng kanilang mga pasahero.

Kaugnay nito, sinabi ni LTFRB Region 2 Director Edward Cabase, nawa’y makapagbigay ng ngiti ang kanilang munting regalo sa mga drivers.

Facebook Comments