KONSEHAL SA QUEZON, ISABELA, PATAY SA AKSIDENTE

Patay ang isang konsehal habang sugatan naman ang isang alkalde ng Isabela matapos masangkot sa karambola ng tatlong sasakyan bandang 6:45 ng gabi sa bayan ng Quezon, Isabela sa bisperas ng Pasko, Disyembre 24, 2022.

Kinilala ang nasawi na si Quezon, Isabela SB member Candido Andumang habang sugatan naman sa insidente si Quezon Mayor Jimmy Gamazon Jr. at ang asawa nito.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Quezon, binabaybay ni SB Andumang sakay ng kaniyang pick-up truck ang daan pauwi galing ng Poblacion ng dumiretso umano ito sa kabilang linya at sumagi sa kasalubong na SUV na minaneho ni Mayor Gamazon kung saan bumangga rin ito sa isa pang SUV na minamaneho naman ng isang taga bayan ng Roxas.

Ayon pa sa ulat ng mga awtoridad, bumaliktad din umano ang minamanehong sasakyan ng SB member.

Naisugod pa sa pagamutan ang municipal counselor ngunit idineklara din itong dead-on-arrival.

Habang dinala naman sa isang pribadong pagamutan si Mayor Gamazon kasama ang kanyang misis na parehong nagtano ng mga sugat sa katawan.

Samantala, nasa maayos na kalagayan naman ang nakasakay sa isa pang SUV na nanggaling naman sa lungsod ng Tuguegarao.

Facebook Comments