Tuesday, April 7, 2026

900,000 bariles ng krudo na inangkat ng Pilipinas, sunud-sunod na dadating sa bansa ngayong Abril—DOE

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) ang sunud-sunod na pagdating sa bansa ngayong Abril ng 900,000 barrels ng krudo na inangkat ng pamahalaan ng Pilipinas.

Ayon kay Energy Undersecretary Sandy Sales, ang mga inangkat na langis ay magmumula sa Malaysia, North Asia at India.

Sinabi ni Sales na unang dadating sa bansa sa April 10 ang 300,000 barrels ng krudo mula Malaysia via Singaporean trader.

Habang ang pangalawa at pangatlong batch ay dadating sa bansa sa ikalawa o ikatlong linggo ng Abril.

Ayon naman kay Energy Secretaru Sharon Garin, bukod pa ito sa langis na binili naman ng mga pribadong oil company.

Kabilang aniya sa mga bansa kinausap ng Pilipinas para sa pag-angkat ng langis ay ang South Korea, China, Malaysia at Singapore.

Facebook Comments