Pormal nang inilunsad ang pang-91st Malasakit center sa Angel Salazar Memorial
Geral Hospital sa kabisera ng San Jose Buenavista sa lalawigan ng Antique.
Mismong si Senator Christopher “Bong” Go ang nanguna sa pagpapasinaya sa pasilidad sa pamamagitan ng virtual launch, araw ng Biyernes,November 13.
Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop para sa medical assistance mula sa gobyerno. Kauna-unahan sa Antique ang pang-anim sa Western Visayas.
Sa kanyang talumpati ay nagpasalamat ang senador sa
frontliners sa healthcare community sa patuloy na pagbibigay ng best care and services sa kanilang mga pasyente at sa komunidad.
“Gusto ko pasalamatan ang administrative staff [ng mga ospital] at, lalong-lalo na, ang mga medical frontliners para sa inyong dedikasyon at sakripisyo sa inyong profession. Sa kabila ng peligro na dala ng COVID-19, patuloy pa rin kayong nagsasakripisyo para sa ating mga kababayan. Buhay ninyo ang nakataya dito kaya maraming, maraming salamat,” saad ni Go.
Iginiit din niya ang kahalagahan ng pagsisiguro sa stability ng healcare System sa bansa sa pangkalahatan nitong panahon ng pandemya at pananalasa ng mga kalamidad sa bansa.
Inihayag din nito ang pagsusumikap ng gobyerno na resolbahin ang mga isyu ng katiwalian na kinahaharap ng
Philippine Health Insurance Corporation.
“Pasensya na po dahil talagang may problema ang PhilHealth sa korapsyon […] Hindi kami titigil ni Pangulong Duterte. Tuloy-tuloy ang kampanya namin laban sa korapsyon sa gobyerno. Sa kung sino man ang napatunayang nagnakaw…sa pondo ng taumbayan ay talagang hahabulin at yayariin namin kayo,” pangako ni Go.
“Pinagpawisan ng ating mga kababayan ang mga remittances diyan sa PhilHealth kaya sisiguraduhin namin na walang piso ang masasayang sa kaban ng taumbayan,” patuloy na saad nito.
Kinilala din ni Go ang local government officials and national agencies na walang kapaguran na tumutugon sa kanilang tungkulin at nagsusumikap para pagsilbihan ang kanilang constituents sa kabila ng nagpapatuloy na krisis.
Kabilang sa mga naroon sa aktibidad ay sina House Deputy Speaker at Antique Representative Loren B. Legarda, Governor Rhodora Cadiao, Vice Governor Edgar Denosta, Secretary Michael Lloyd Dino ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas, at mga kinatawan mula DOH, DSWD, PCSO at PhilHealth bilang partner agencies ng Malasakit Center.
Sinamantala naman ni Go ang pagkakataon para pasalamatan si Deputy Speaker Legarda para sa walang kapaguran na suporta at mga payo nito sa kanya sa mga nakalipas na panahon.
Sa kanyang panig ay pinapurihan naman ni Legarda si Go sa patuloy na pagsusumikap para dalhin ang mga serbisyo ng gobyerno malapit sa tao.
“I am very happy to support the vision of our hardworking and humble senator. I am so grateful that, as the representative of Antique [where we need] health care most, you have not forgotten us. In fact, you have made us part of the beneficiaries of the Malasakit Centers,” pahayag ni Legarda.
“This is what we need in government indeed: convergence. ‘Wag natin pahirapan ang mga mahihirap na paikot-ikot, mahirap na nga, papahirapan pa […] I am extremely happy to share in your joy of this inauguration [of] the Malasakit Center that many indigent Antiqueños will benefit from because of your kind generosity. We are forever grateful,” dagdag pa ng gobernadora.
Pagkatapos ng aktibidad ay namahagi naman ang grupo ni Go ng pagkain sa hospital staff at mga pasyente.
Namigay din sila sa mga piling empleyado ng ospital ng bisikleta para magamit sa pagpasok aa trabaho. Ang ibang kawani naman ay nakatanggap ng tablets para magamit ng kanilang mga anak para sa online classes.
Samantala, ang DSWD naman ay namigay ng cash assistance sa 168 na mga pasyente sa pagamutan.
“Nagpapasalamat kami ni Pangulo na binigyan ninyo kami ng pagkakataon para manilbilhan. Siya po ay isang mayor na ginawang president at ako naman ay isang ordinaryong staff niya na binigyan rin ng Panginoon ng pagkakataon na manilbihan sa inyo. Wala na po kaming hihilingin pa. Ibabalik namin sa tao ang serbisyo na dapat sa inyo,” pangako ni Go.