Cauayan City, Isabela- Nabakunahan na kontra COVID-19 ang 92.9% ng target population sa Isabela.
Batay sa pinakahuling datos na ibinahagi ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Miyerkules, Pebrero 2, 2022, katumbas ng 92.9% ang 1,013,109 katao kung saan nabakunahan na ng first dose ang naturang bilang.
Tumaas naman sa 56.9% o 912,298 indibidwal ang tumanggap na ng second dose o maituturing na fully vaccinated.
Umaabot naman sa 83% ang vaccination consumption ng Isabela.
Sa kasalukuyan, mayroon pang 18,192 katao o 1.8% sa Adult group ang hindi pa nabakunahan ng COVID-19 vaccine habang nasa 16,305 o 9.2% naman sa populasyon ng pediatric.
Ang naturang datos ay bukod pa sa vaccination rate ng Santiago City.
Facebook Comments