DOH, nakapagtala ng higit 7,000 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ng 7,661 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mababa ito kumpara sa 9,493 na kaso kahapon kung saan ito ang pinakamababang naitalang kaso sa loob ng isang buwan.

Dahil dito, umabot na sa 3,577, 298 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 160,297 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 23,392 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3,362,904 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 54,097 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 43 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 31 habang may dalawang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments