Nalampasan ng isang 95-taon-gulang na babae sa Italy ang coronavirus disease 2019.
Si Alma Clara Corsini ang naitalang pinakamatandang babaeng gumaling sa sakit sa naturang bansa, na isa isa mga malubhang tinamaan ng pandemic, ayon sa ulat ng Metro.
Batay sa ulat, naka-recover nang walang “antiviral therapy” at tuluyan nang nakauwi si Corsini, na na-admit sa ospital noong Marso 5.
Ibinahagi ng Italian politician at European Parliament Vice President Fabio Massimo Castaldo ang magandang balita sa Twitter, noong Marso 21.
Sa litratong kaakibat ng post, makikita ang lola na naka thumbs up habang nakahiga sa kama, kasama ang ilang staff ng ospital.
Questa simpatica signora in foto si chiama Alma Clara Corsini, ha 95 anni, ed è appena guarita dal #COVID19! Un grande augurio a lei, e un grazie di cuore allo staff medico dell'ospedale di Pavullo (Modena) per averci regalato un timido sorriso! #COVID19italia pic.twitter.com/GXzdQgjRr3
— Fabio Massimo Castaldo (@FMCastaldo) March 21, 2020
Bago si Corsini, may isang 97-anyos na lalaki na rin ang gumaling sa COVID-19, na pinaniniwalaang pinakamatanda sa mga nakalampas sa sakit sa Italy.