Umabot na sa higit 950,000 na manggagawa mula sa formal sector ang nakatanggap ng financial assistance mula sa gobyerno sa pamamagitan ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Assistant Secretary Dominique Tutay, aabot na sa 952,000 workers ang natulungan ng subsidy program lalo na mula sa sektor ng edukasyon at turismo.
Nasa 80 hanggang 85% ang kanilang disbursement rate.
Inaasahang mas marami pang manggagawa ang makikinabang sa CAMP.
Ang CAMP ay isang one-time cash assistance kung saan binibigyan ng 5,000 pesos ang mga manggagawang naapektuhan ng pandemya.
Sa ilalim ng Bayanihan 2, nasa ₱7.4 billion ang budget ang inilaan sa CAMP kabilang ang ₱3.1 billion para sa tourism workers.
Facebook Comments