Camp Melchor F. Dela Cruz – Handa umanong tumulong ang 95 Salaknib Infantry Battalion sa kampanya kontra iligal na droga. Ito ang ibinahaging impormasyon ni Major General Perfecto Rimando Jr. sa kanyang naging talumpati sa 95th IB Activation Ceremony at Pagbubukas ng Training.
Aniya, handa umanong suportahan ng battaion ang PDEA at PNP. sa kampanya kontra iligal na droga.
Binigyan diin pa ni Major Rimando Jr. na irerespeto nila ang karapatang pantao ng mga sangkot sa ipinagbabawal na droga ngunit kung ang mga ito ay manlalaban ay handa din umanong iputok ng mga kasundaluhan ang kanilang mga baril.
Ayon pa kay Major General Rimando, hindi umano maitatago ng mga sangkot sa ilegal na droga na may mga armas din kayat’ kung sakaling lalaban at tatapatan lamang ito ng mga sundalo bilang proteksyon sa kanilang sarili.
Naniniwala pa si Rimando na makakatulong ang bagong battalion lalo na sa pagsupil sa iligal na droga, security operations at maging pagtulong sa panahon ng mga sakuna.
Nanawagan din si Major General Rimando Jr. sa mga armadong grupo na bumaba na lamang ang mga ito at sumuko dahil mayroon naman umanong programa ang gobyerno para sa kanila dahil ayon pa sa kanya ay progreso ang darating kung ang paligid ay tahimik at ligtas.