96-anyos lola na takot bumiyaheng mag-isa, dinamayan ng lalaking katabi sa eroplano

403
via Megan Ashley

Hinangaan ng mga netizen ang lalaking nag-alaga sa isang 96-anyos na lola na takot bumiyahe mag-isa sa eroplano.

Sa post ni Megan Ashley, ibinahagi niya ang paghanga sa lalaking nakasabay sa flight San Diego papuntang Nashville dahil sa pag-asikaso nito sa katabing matandang babae.


Ayon kay Megan, sinabi ng lola sa pasaherong lalaki na hawakan nito ang kamay habang paakyat sa himpapawid ang eroplano dahil natatakot ito.

Dagdag pa niya, kaarawan kasi ng lola kaya gusto niyang makasama ang pamilya sa Kansas City, Missouri.

Hanggang pagpunta sa CR at paglabas ng eroplano ay inalalayan pa rin ng lalaki ang lola.

Sinabi rin ni Megan na naluha siya sa kabutihang loob na ipinamalas ng lalaki sa matanda.

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 200,000 reactions at 47,000 shares.




Facebook Comments