Matagumpay na nagsagawa ng bloodletting activity ang Pangasinan Police Provincial Office (PPO) katuwang ang Provincial Health Office (PHO) bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month noong Marso 12, 2026 sa Magilas Building, Camp Gov. Antonio U. Sison.
Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng pulisya sa community service at mga programang nagliligtas ng buhay.
Binigyang-diin ni PLTCOL Buenaventura DG Benavides III, Chief ng Police Community Affairs and Development Unit (PCADU), ang kahalagahan ng volunteerism at humanitarian service sa hanay ng kapulisan.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Harvin T. Cancino, PHO Blood Coordinator, sa suporta ng Pangasinan PPO sa mga blood donation program ng lalawigan na tumutulong sa pagpapanatili ng sapat na suplay ng dugo para sa mga pasyente.
Sa kabuuan, 96 na bag ng dugo ang nakolekta mula sa 96 donor na pulis mula sa iba’t ibang city at municipal police stations sa lalawigan, na may tinatayang 450 milliliters bawat bag, na makatutulong sa pagpapalakas ng blood reserve ng probinsya.
Ipinakita ng aktibidad ang patuloy na dedikasyon ng Pangasinan PPO hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan kundi pati na rin sa mga programang makatao na tumutulong sa komunidad at nagliligtas ng buhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








