Cauayan City, Isabela – Apat na kasapi ng 98.5 iFM Cauayan ang nag-uwi ng tropeo at pagkilala sa ginanap na 11th Ranger Olen Challenge 3rd Quarter 2021 Media Fellowship sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi Gamu, Isabela.
Ang isinagawang media fun shoot ay sa pamamagitan ng inisyatiba ng 5th Infantry Division, NOLCOM, Philippine Army sa pamumuno ng MGen Laurence Mina upang mas lalong mapabuti ang ugnayan ng mga mamamahayag at 5th ID.
Ipinangalan ang fun shoot activity sa “Olen” na siyang palayaw ng MGen Laurence Mina na isinagawa sa buong araw ng Hulyo 16, 2021.
Ang inihandang 11th Ranger Olen Challenge ay may mga individual awards para sa male at female competition at group relay competition.
Ang mga nanalo sa female competition individual awards ay sina Rhea Ariola Pataray na siyang naging kampeon, 98.5 iFM Cauayan DJ Idol Phina Phantasya bilang 1st runner-up at 98.5 iFM Cauayan Newswriter/Anchor RadyoMan Rowena Munchang bilang 2nd runner-up.
Sa male individual category naman ay naging kampeon ang 98.5 iFM Cauayan Anchor at Station Manager na si RadyoMaN Christopher Estolas, 1st Runner Up si Joshua Kahulugan at 2nd Runner Up naman si Nico Harmon Labastida.
Kabilang naman sa champion team si dating COMELEC Commissioner Attorney Armando Velasco na nagsisilbing co-anchor sa programa ng 98.5 iFM Cauayan na “Alamin sa May Alam”.
Kasama sa mga personalidad ng 5th ID na dumalo sa okasyon ay sina Chief of Staff Colonel Freddie Dela Cruz, Colonel Gladius Calillan ng G3, DPAO head Major Jeckyll Dulawan at Major Jomar Plete ng CMO Battalion.
Pangunahin namang pinangasiwaan ng Division Training School na pinamumunuan ni LTC Pat Bumidang ang naturang media fun shoot.
Sa ginanap na closing and awarding ceremony ay nagpasalamat si RadyoMaN Chris Estolas na siyang nagbigay ng mensahe sa hanay ng media sa pamunuan ng 5th ID dahil ang naturang aktibidad ay isang napakagandang pagkakataon upang mapaigting ang ugnayan ng lokal na media at ganun din sa pamunuan at mga kasapi ng 5th ID.
Ipinahayag naman ni MGen Laurence Mina sa kanyang mensahe na kinikilala niya ang ginagampanan ng media para sa pagpapaabot ng mga mahahalagang impormasyon lalo na sa ngayon na pinagsisikapan ng ng lahat na tapusin na ang problema ng insurhensiya na idinudulot ng paniniwala sa komunismo ni Jose Maria Sison.
Nagpasalamat din ang heneral sa tulong ng media at kanya muling hiniling ang patuloy na suporta para sa pagpapahayag ng katotohanan kaugnay sa laban ng bayan kontra sa komunismo at terorismo.