Umabot na sa 99.6 percent Vote-Counting Machines (VCMs) na gagamitin sa 2022 elections ang na-repair na.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, nasa 334 units na lamang ang natitira at kasalukuyang dumadaan sa renovation.
Sa Disyembre inaasahang maisasapinal ang pag-aayos ng VCMs kung saan magreresulta ito ng pagkakaroon ng ‘hash code’ na kailangan para matiyak na pare-pareho ang system at mapagkakatiwalaan.
Ang hash code ay makikita sa mismong VCM at pwede i-beripika sa website ng Comelec.
Gaganapin ang mock election sa December 29, 2021 kung saan sa kaparehong araw rin gagamitin ang mga naayos na VCMs.
Facebook Comments