Cauayan City, Isabela- Patuloy pa rin ang pagpapaalala ni Mayor Josemarie Diaz ng City of Ilagan sa kabila ng pagbaba ng mga naitatalang positibo sa COVID-19 sa siyudad.
Sa kanyang ulat, umaabot na sa 99.6% na mga frontliners o kabilang sa A1 priority list na nabakunahan sa lungsod kontra COVID-19.
Ayon pa sa alkalde, nasa 15.5% senior citizen na kabilang sa A2 priority list ang nabakunahan na rin habang 80% naman ang nabakunahan sa A3 list o comorbid.
Samantala, nananatili naman ang lungsod sa medium risk category kung saan sa pinakahuling datos ay mayroong 78 ang aktibong kaso.
Gayunpaman, ibinahagi rin ng opisyal na sa nakalipas na dalawang (2) linggo at nasa 17% ang growth rate at 5.37% naman ang Average Dailt Attack rate habang 1:8 naman ang positivity rate at 2.33% ang fatality rate.
Sa kasalukuyan ay naghihintay pa rin ang lokal na pamahalaan sa pagdatinh ng biniling bakuna mula sa vaccine manufacturer upang masimulan na ang pagbabakuna sa mga nasa A4 priority list at group A5.
Hinimok rin niya ang mga hindi pa nababakunahan na kabilang sa priority list upang makamit ang herd immunity.
📸MyCityIlagan/screenshots