99% NG KALSADA SA CAGAYAN, KONKRETO NA

Umabot na sa 99% ang nakonkretong provincial roads sa probinsya ng Cagayan ayon sa Provincial Engineering Office habang inaasahan naman na magiging 100% na ito sa susunod na taon.

Nasa kabuuang 393.8177 na kilometro ng provincial roads na ang natapos at 2.969 na lamang ang hindi pa konkreto.

Ayon kay Engr. Gloria Manglapus, ng PEO, ang natitirang dalawang kilometro ay kasalukuyan naring ginagawa at inaasahang matatapos na sa susunod na taon.

Samantala, patuloy parin ang ginagawang pagbubukas sa iba pang kalsada na kumokonekta sa mga munisipalidad sa probinsya.

Kaugnay nito, naghahanda parin ang PEO sa pagpapatuloy ng pagpapaganda sa islang bayan ng Calayan kung saan ay gagawin itong flagship world tourist destination ng Cagayan.

Inaasahan rin na maaayos ang Calayan Community airport na nakatakdang magpatayo ng provincial resort hotel sa lugar.

Ito ay bilang paghahanda pa rin sa pagbubukas ng Cagayan sa World Tourism and Economic Trade.

Facebook Comments