166 NA BARANGGAY, MAY BANTA NG POSBILENG PAGGUHO NG LUPA

51
Natukoy ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) Region 02 ang 166 na barangay na posibleng may banta ng pagguho ng lupa at pagbaha dahil sa bagyong Karding.

Inilahad kahapon ni MGB Geologist Leslie Mejares sa ginanap na Pre-Disaster Risk Assessment meeting, pinakamarami sa natukoy ang Nueva Vizcaya na nasa 141, sa walong bayan nito, habang 21 naman sa Quirino mula sa apat na bayan.

4 na barangay rin mula sa dalawang bayan ang naitala sa Cagayan.

Habang wala namang natukoy na barangay mula sa bahagi ng Isabela at Batanes.

Kaugnay nito, nag paalala parin si Mejares na bagaman walang naitala sa dalawang lalawigan, ay nararapat paring mag-ingat, sapagkat possible parin itong magbago.

Pagmonitor sa mga tension cracks, terracettes, at mga kahoy na posibleng matumba, pagmonitor sa mga lugar na dati ng nakaranas ng landslide maging sa mga mining areas, at paglilinis ng daanan ng tubig, ang ilan sa mga kinakailangang pag-iingat na gawin ng LGUs.

Facebook Comments