MANILA, PHILIPPINES – Iniulat ng Manila Water na halos 99% na ng barangay sa Pasig ay may suplay na ng tubig.
Ito ay kung ihahambing sa naranasan noong Marso a-otso na nawalan ng tubig ang halos 30 barangays ng Pasig.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Melai Paraiso, Area Business Manager ng Manila water, na bagamat may suplay na ng tubig, karamihan sa mga kasambahayan ay may tig-dose oras na may suplay ng tubig.
Ito ay mula 4:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Magtatagal pa ayon kay Paraiso hanggang ang isinisagawang rotation ng pagsusuplay ng tubig.
Isang porsyento na lamang ang nakararanas ng iregular na suplay ng tubig nasa high rise location.
Kabilang dito ang 100 na kasambahayan sa Barangay Bagong Ilog sa Kawilihan Village at 500 naman na kasambahayan sa Nagpayong sa Pinagbuhatan.
Ang mga lugar na ito ay siniserbisyuhan ng water tanker.