Aabot sa halos 20 milyong pisong assistance ang ibibigay ng PCSO na tulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao

Halos 20 milyong pisong halaga ng ayuda ang ibibigay ng PCSO sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, nag-laan ang kanilang tanggapan ng 3 point 1 million pesos para sa Cotabato at Davao Del Sur.

Habang tig-limang milyung piso para naman sa Bayan ng Hagonoy, Mata-Na-o at Padada sa Davao Del Sur.


Dag-dag pa ni Garma na bukod sa nasabing ayuda, nagbigay na rin ng tulong ang PCSO sa mga naapektuhan ng unang lindol na naganap noong Oktubre.

Paliwanag ni Garma na ang nasabi mga pondo ay ipinagkaloob sa mga lider tulad ng Gobernardor ng bawat lugar para sila ang mamahala sa pamamahagi ng tulong ng PCSO.

Facebook Comments