AAPRUBAHAN | Panukalang BBL, target ipasa ng Senado sa May 23

Manila, Philippines – Sa darating na May 23, plano ng Senado na ipasa na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL na sa ngayon ay nasa period of interpellation o debate sa plenaryo.

Ito ang inihayag ni Senator Juan Miguel Zubiri na syang chairman ng subcommittee on BBL kasunod ng apela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso na madaliin ang pagpasa sa BBL bago mag-adjourn ang session sa June 2.

Plano ni Zubiri na sa May 21 ay tapusin na ang plenary debates para sa BBL para maisalang na ito sa period of amendments at magkaroon pa ng sapat na panahon para maisalang ito sa bicameral conference committee at maratipikajan bago ang Sine Die adjournment.


Bunsod nito ay umaapela si Zubiri sa mga kasamahang senador na tututukan ang panukalang BBL dahil mahalaga ito sa pagkamit ng kapayapaan sa bansa.

Facebook Comments