ABL | Alab Pilipinas, talo kontra Thailand Mono Vampire sa game 4

Thailand – Tabla na sa 2-2 ang serye sa pagitan ng Thailand Mono Vampire at Alab Pilipinas sa finals ng ASEAN Basketball League na ginanap sa stadium 29 sa Bangkok.

Nanalo sa game 4 ang Mono Vampire sa score na 88-83 kung saan bumida sa Thailand ang 7-foot-5 center na si Sam Deguara na may 20-points at 13-rebounds.

Magaganap ang winner-takes-all na game 5 ng Alab at Mono Vampire sa Miyerkules na mapapanood sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex sa Sta. Rosa, Laguna.


Facebook Comments