Sinuspinde ng Supreme Court ng dalawang taon ang isang abogado na senior partner sa isang law firm dahil sa sexual harassment sa kanyang junior associate.
Kabilang sa ginawang sexual acts ng senior partner ang dirty jokes, personal intimate questions tungkol sa romantic relationships ng junior associate at ang paglalahad ng kanyang extramarital sexual conquests.
Ayon sa Korte Suprema, maituturing din na actual sexual advances sa junior associate ang pagpapahiwatig ng senior partner na kung magkasing edad lamang sila ay liligawan niya ito.
Sinabi pa ng SC na ang sexual harassment na naganap sa workplace ay ang paggamit ng kapangyarihan ng superior officer sa kanyang mga babaeng subordinates.
Hindi naman isinapubliko ng Kataas-Taasang Hukuman ang pangalan ng respondent na abogado at ng complainant na lady lawyer.