Resulta ng imbestigasyon sa mga police officer na sangkot sa illegal drug trade, iaanunsyo na ng DILG

Iaanunsyo na sa loob ng dalawang araw ang resulta ng imbestigasyon sa mga police officer na sangkot sa illegal drug trade.

Ito ang tiniyak ni Interior Secretary Benhur Abalos.

Ayon kay Abalos, sa ngayon ay pinaplantsa na nila ang ilang mga legalidad upang masiguro na walang malalabag na karapatan.


Kasama rin aniya sa iaanunsyo ay ang resulta ng imbestigasyon sa kontrobersiyal na 990 kilos ng shabu na nasabat sa Maynila noong 2022.

Makatitiyak aniya ang publiko na magkakaroon ng makatotohanang paglilinis o internal cleansing sa Philippine National Police (PNP).

Facebook Comments