Halos 50 pang Pinoy repatriates mula Sudan, darating sa Pilipinas bukas

Isa pang batch ng Filipino repatriates mula Sudan ang darating sa bansa bukas.

Ang halos 50 mga Pinoy mula Sudan ay nakatawid na ng Egypt, at mula Cairo, sila ay bibiyahe mamayang gabi patungo ng Riyadh, Saudi Arabia.

Mula naman sa Riyadh, sila ay sasakay ng Saudia Airlines patungo ng Manila.


Ilan sa Pinoy repatriates ay bumiyahe ng tatlong oras mula sa Sudan patungo ng Egypt.

Sila ay kailangan kasing dumaan sa pinakaligtas na lugar upang hindi matamaan ng mga bomba at ligaw na bala sa harap ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Sudan.

Ilan naman sa mga umuwing Pinoy ang nagkuwento na idinaan sila ng bus sa disyerto palabas ng Sudan dahil doon ang ligtas na ruta at malayo sa bakbakan.

Facebook Comments