Manila, Philippines – Tumanggi munang mag-komento si Atty. Vic Rodriguez, abogado ng mga Marcos kung mayroon nang pormal na settlement o alok ang kaniyang mga kliyente kaugnay ng pagsasauli ng ilang ahagi ng kanilang yaman.
Nakiusap si Atty. Rodriguez na irespeto muna ang kanilang pananahimik .
Nauna nang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang kinatawan mula sa mga Marcos ang nagparating ng naturang pahiwatig ng kahandaan ng pamilya Marcos.
Nauna na ring sinabi ni Governor Imee Marcos na malaki ang tiwala nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na mawawakasan sa ilalim ng pangasiwaan nito ang ilang dekadang legal na labanan kaugnay ng Marcos ill-gotten wealth.
Facebook Comments