Acid man, nahuli na!

Manila, Philippines – Arestado na si Acid man, ang suspek na gumagala para manaboy ng asido.

Nakuwelyuhan si Abdul Sy alias Acid sa A. Bonifacio kanto ng Sgt. Rivera sa QC matapos na ituro ng mga vendor sa lugar.

Ayon kay PSupt. Robert Sales, PS1 Commander, positibong asido ang nakuha mula sa bag na bitbit ni Abdul.


Isasailalim sa pagsusuring medikal si Acid man dahil sinasabing may suliranin ito sa pag-iisip bunga ng trauma.

Nauna rito, isang 33 year old na ginang ang sinabuyan ni Abdul ng asido habang paakyat ito sa foot bridge.

Facebook Comments