Tiklo ang isang high value individual sa usaping illegal na droga sa kinasang buy-bust operation ng awtoridad sa Malasiqui, Pangasinan.
Nakilala ang suspek na isang 55 anyos at residente ng Brgy., Bolingit, San Carlos City.
Nakuha mula rito ang 35 gramo ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng PHP 238,000.00.
Ilan pang mga non-drug evidence ang nakuha tulad ng buy-bust money, selpon at ilang drug paraphernalias.
Haharap ito sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









