‘Absentee quarantine’ modus ng ilang quarantine hotel, iniimbestigahan na ng PNP

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang modus na ‘absentee quarantine’ scheme ng ilang mga quarantine hotel.

Pahayag ito ni PNP Spokesperson Police Colonel Roderick Alba matapos ibinunyag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa PNP at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang naturang iligal na aktibidad.

Ayon sa kalihim, nag-aalok umano ang mga quarantine hotel ng ‘absentee quarantine’ package sa mga balikbayan upang hindi na sila mag-quarantine sa loob ng limang araw at babalik lamang para sa RT-PCR confirmatory test.


Natuklasan ang modus matapos napag-alamang dumalo ang returning OFW na si Gwyneth Chua sa isang bar sa Makati na dapat ay naka-quarantine pa.

Kalaunan ay lumabas ang resulta na COVID-19 positive si Chua at ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, posible na itong nakapanghawa ng di bababa sa 15 katao.

Facebook Comments