ABSOLUTE IMMUNITY | Mga Filipino diplomat na naiwan sa Kuwait, hindi maaaring kasuhan – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na mayroong absolute immunity ang mga diplomat ng Pilipinas na naka destino sa ibang bansa.

Ito ang sinabi ng Palasyo sa harap na rin ng kumpirmasyon ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na tatlong diplomat ng Pilipinas ang may kinakaharap na warrant of arrest sa Kuwait dahil sa ginawang rescue operations ng mga ito sa mga distressed OFW.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nagtuturo siya ng International Law kaya hindi siya maaaring magkamali na mayroong immunity sa kaso ang isang diplomat at ito ay absolute immunity.


Sa kabila nito ay naniniwala pa rin naman si Roque na maaayos din ang gusot na ito sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait dahil matindi ang naging pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Matatandaan na kaninang madaling araw ay dumating na sa bansa si Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa at sinundo ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Facebook Comments