NBA | Utah Jazz sinorpresa ang Houston Rockets sa game 2 para maitabla ang kanilang serye sa 1-all

27

Houston – Pumutok mula sa three-territory si Joe Ingles para pangunahan ang Utah Jazz sa pagsorpresa sa Houston Rockets sa game 2 ng kanilang best of seven series

Umiskor ng career high 27 points si Ingles, kasama na ang pitong three-pointers, para gulatin ng Jazz ang Rockets, 116-108 sa mismong teritoryo ng Houston.

Ito ang unang talo ng Rockets sa Toyota Center sa play offs.

May 32 points naman si James Harden para sa Houston.

Dahil sa panalo, tabla na ang Houston at Jazz, 1-all sa kanilang semifinal showdown sa Western Conference ng NBA.

Facebook Comments