KAMPEON | Renaldo Balkman – masayang naging bahagi ng kampeonato ng Alab Pilipinas sa ABL

Manila, Philippines – Buhos pa rin ang mga pagbati sa Alab Pilipinas matapos mag-kampeon sa Asean Basketball League (ABL) championship.

Ito ay makaraang talunin ng Alab Pilipinas ang Thailand Mono Vampire sa last game ng championship series, 109-92.

Aminado si Alab coach Jimmy Alapag na hindi naging madali para sa kanila ang torneo dahil umabot pa ito sa game 5.


Masaya naman si Renaldo Balkman na maging bahagi ng kampeonato matapos na muli siyang pagkatiwalaan ng team sa kabila ng lifetime ban na ipinataw sa kanya noon.
Ito na ang ikatlong beses na nag-kampeon ang Pilipinas sa ABL.

Facebook Comments