ABSWELTO | Dating Sen. Bong Revilla, isasailalim sa medical procedure

Isasailalim muna sa medical test at iba release procedure si dating Senador Bong Revilla Jr. bago ang kanyang tuluyang paglaya sa PNP Custodial Center matapos na mapawalang sala ng korte sa kasong plunder.

Inaabangan na sa PNP Custodial Center si dating Senador Bong Revilla Jr. matapos na maabswelto ng Sandiganbayan sa kasong plunder.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Senior Superintendent Benigno Durana, na batay sa kanilang standard operating procedures kinakailangang munang isailalim sa medical examination si Revilla bago siya tuluyang makalaya ng custodial center.


Mahalaga anila na masigurong maayos ang kondisyon ng kalusugan ni Revilla bago ito palabasin ng kulungan.

Kasama rin sa mga kinakailangang maiproseso dito sa Kampo Crame ang kanyang release order.

Nakulong ng halos limang taon sa Custodial Center si Revilla bago siya napawalang sala ng korte kanina dahil sa kasong plunder.

Facebook Comments