Pagbubukas ng Palarong Pambansa na gaganapin sa Binayaran Sports Complex sa Antique, pangungunahan ni Pangulong Duterte ngayong araw

Manila, Philippines – Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng Palarong Pambansa na gaganapin sa Binayaran Sports Complex sa lalawigan ng Antique, ngayong araw.

Una rito, sinabi ng Pangulo na mayroon siyang mahalagang sasabihin sa mga manlalaro kaya nais niya itong makaharap.

Samantala, hihigpitan naman ng Department of Education ang seguridad sa mga venue ng laro.


Ayon kay DePed Asec. Tonisito Umali, Secretary-General Ng Palarong Pambansa – puputulin ang mga cellphone signal sa venue para sa kaligtasan ng mga delegado.

Ipagbabawal din ang backpacks maging ang mga bottled water sa mga lugar ng palaro.

Hanggang April 29 gaganapin ang Palarong Pambansa sa Antique.
Nation

Facebook Comments