Umapela si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, sa pamahalaan na gawing madali ang access ng mga tao sa pandemic assistance program na nakapaloob sa 2022 National Budget.
Ito ay kahit pa opisyal nang sinimulan ang campaign period ngayong buwan.
Panawagan ng kongresista gawing madali para sa ating mga kababayan ang access sa pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Health (DOH), Department of Agriculture (DA) at iba pang ahensya ng gobyerno.
Aniya pa, malaking halaga ng pangayuda ang nakapaloob sa P5.024 trillion na pambansang pondo ngayong taon kaya nakatitiyak na lahat ng uri ng assistance ay maaaring maibigay sa mga nangangailangang Pilipino.
Kabilang dito ang P21.36 billion para sa nga indigent patients, P5 billion para sa social amelioration program, P25 billion para sa pension payouts ng mga indigent senior citizens.
Mayroon ding P39.87 billion sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD at P39.87 billion para sa tulong sa mga maliliit na negosyo ng DTI.