Malaysian national at isang Pinoy arestado dahil sa pagpapanggap na mga taga Regional Trial Court ng Parañaque City

Huli ang isang Malaysian national at isang Pinoy matapos magpanggap na mga process server ng Regional Trial Court ng Parañaque City.

Kinilala ang dalawa na sina Owi Jee Hao, 32 anyos, Malaysian national at Human Resource manager ng Billions Dragons Company at Lorenzo Vicedo, 26 anyos, isang Human Resource personnel na nasabing company.

Ayon kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, nagpakilala ang dalawa na taga Regional Trial Courts (RTC) ng Paranaque at naglabas ng dokumento para sa release order ng dalawang indibidwal na kinilalang sina Han Xun, Cen Shalu at Shen Fa na nahaharap sa kasong kidnapping


Nagsagawa ng beripekasyon ang Philippine National Police (PNP) at natukoy na peke pala ang iprinesentang release order ng dalawa.

Agad naaresto ang dalawa at ngayon ay nahaharap na kasong Falsification of Public Documents and Usurpation of Authority.

Facebook Comments