Nagsagawa ng accounting si PNP OIC Lt Gen Archie Gamboa sa Reactionary Standby Support Force ng PNP na idedeploy paea tumulong sa relief and evacuation efforts sa CALABARZON.
Ito ay sa harap ng patuloy na pagaalburuto ng bulkang Taal.
Ayon kay PNP Officer in Charge Lt Gen Archie Francisco Gamboa mayroon silang kabuuang pitong libong miyembro ng Reactionary Standby Support Force pero dalawang libo lamang ang posibleng ideploy sa CALABARZON kung kakailanganin.
Tiniyak naman ni Gamboa na may sapat na proteksyon ang mga pulis na idedeploy para sa relief at rescue operation.
Mayroon aniya ipinamimigay na face mask at googles sa mga pulis na reresponde.
Pinasisiguro rin ni Gamboa sa mga pulis na may sapat na silang pagkain at tubig habang tumutulong sa relief at rescue operation.
Sa ngayon naka full alert na ang National Headquarters sa Camp Crame para imonitor ang mga epekto ng pagaalburuto ng bulkan.
Full alert status na rin ang PNP National Support Units, PNP Region 3, PNP region 4A at PNP NCR.