Banggaan sa Recto Bank, tiniyak na matatalakay sa ASEAN Leaders Retreat sa Thailand         

60

Inaasahang tatalakayin sa gaganaping ASEAN Summit sa Thailand ang issue sa South China Sea na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Junever Mahilum, West, kabilang sa agenda ang Regional and International Developments ang Code of Conduct in the South China Sea.


Aniya, makakabilang din sa mapag-uusapan ay ang insidente sa Recto Bank.

Sabi pa ni West, ang pag-uusap sa Regional at International Developments ay mangyayari sa Leaders Retreat kung saan ilalatag din ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Code of Conduct sa South China Sea.

Gaganapin ang 34th ASEAN Summit sa Bangkok Thailand sa June 22 at 23.

Facebook Comments

From Advertisers