Enzo Pineda, isa nang Philippine Marine Reservist

66

Isa nang Philippine Marine Reservist ang aktor na si Enzo Pineda.

Pagbabahagi ng aktor sa kaniyang social media account, ibinahagi nito ang pagtatapos niya ng basic citizen military course bilang Marine reservist sa ilalim ng Philippine Navy na may ranggong staff sergeant.


Pinasalamatan din ng aktor ang lahat ng sumuporta sa kaniya para matapos ang kurso.

Samantala, isang larawan din ang ibinahagi ni Enzo kasama ang kasintahang Michelle Vito na naka-uniporme at hawak ang certificates.

Facebook Comments