Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa kabuuang 377 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Mountain Province batay sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office.
Base sa report, pinakamataas pa rin na nakapagtala ang bayan ng Bontoc na pumalo sa 250 ang active cases at dalawa ang kumpirmadong binawian ng buhay matapos tamaan ng virus.
Habang sinundan naman ng bayan ng Sabangan na mayroong 47 active cases.
Samantala, nagpatupad naman ng house lockdown sa ilang Barangay ng Bontoc gaya ng Poblacion, Guinea-ang, Caluttit, Bontoc Ili, Samoki, Mat-ao, Barangay Alab Proper, Tocucan na tatagal sa loob ng 14-araw partikular sa mga kabahayan na nakasalamuha ng mga nagpositibong pasyente.
Tiniyak naman ng LGU Bontoc at Mountain Province Government ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong pamilya.
Naikategorya na rin sa critical high-risk level ang lalawigan ng Mountain Province.