Active Cases sa City of Ilagan, Bumaba

Cauayan City, Isabela- Bumaba na ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Ilagan matapos isailalim sa lockdown ang buong syudad ng Ilagan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, Information Officer ng City of Ilagan, mula sa 466 na total confirmed cases sa Lungsod, 110 lamang dito ang aktibo habang 351 ang bilang ng mga nakarekober.

Ayon pa kay Ginoong Bacungan, nasa 932 katao ang sumailalim na sa swab test at hinihintay na lamang ang resulta ng ibang nasuring specimen sample.


Nakaantabay din ang mga contact tracer’s para sa mga panibagong kaso.

Natapos na rin kahapon ang pamamahagi ng relief packs sa 91 barangay sa Lungsod kung saan tinatayang aabot sa 6 libong pamilya ang nabigyan ng ayuda.

Inaasahan naman na aalisin na sa darating na Biyernes, October 30, 2020 ang ECQ sa syudad ng Ilagan.

Samantala, pinapaalalahanan ang mga nakatira sa low lying areas sa Lungsod na mag-ingat at lumikas kung kinakailangan bunsod pa rin ng patuloy na pag-uulan.

Facebook Comments