Active Cases sa Nueva Vizcaya, Bumaba na

Cauayan City, Isabela- Pababa na nang pababa ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Batay sa ibinahaging impormasyon ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit kay Dr. Edwin Galapon, Provincial Health Officer, as of October 17, 2020, nasa labing walo (18) na lamang ang natitirang active cases sa lalawigan matapos gumaling at ma-discharged na sa ospital ang apat (4) na COVID-19 patients.

Sa ngayon ay mayroon nang 553 na kabuuang bilang ng mga nakarekober sa probinsya at umabot naman sa 588 ang total cases nito sa COVID-19.


Mula sa 588 na total COVID-19 cases, labing pito (17) rito ay naiulat na nasawi.

Wala namang naitalang bagong kaso ng COVID-19 nitong dalawang araw na nakalipas.

Facebook Comments