Plano ng designer ni 2018 Miss Universe Catriona Gray na i-exhibit ang mga sinuot nitong gown.
Ito ang inanunsyo sa Instagram account ni Mark Tumang, ang designer ng “adarna” at “lava” gowns na sinuot ni Catriona sa pageant sa Thailand.
Bukod sa caption nito na “gown exhibit soon” hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Tumang.
Una rito, dinala na ng Team Catriona sa pangangalaga ng National Historical Commissions ang national costume ng beauty queen na itatampok din sa isang exhibit sa Rizal Day (December 30).
Samantala si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson daw ang mag-i-sponsor sa 2019 Miss Universe na gaganapin sa South Korea.
Ayon kay Singson, na isa rin sa nag-finance ng Miss Universe pageant sa Thailand, mas exciting sa susunod na taon dahil posible aniyang sumali ang North Korea.
Kasabay nito, nilinaw ni Singson na hindi pa niya tinatanggap ang franchise ng Miss Universe Philippines na ino-offer sa kanya ng Miss Universe organization.