19-ANYOS NA WANTED PERSON, HULI SA ISABELA

34
Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki na wanted sa batas sa Brgy. Sandiat Centro, San Manuel, Isabela.

Ang suspek ay 19 taong gulang na lalaki, magsasaka at residente ng nabanggit na barangay.

Siya ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Randy B Bulwayan, RTC, Branch 23, 2nd Judicial Region, Roxas, Isabela na may petsang May 2, 2022.

Lumabag ang suspek sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law kung saan tinatayang nagkakahalaga ng P200,000 ang kanyang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Nasa kustodiya ng San Manuel Police Station ang suspek at anumang araw ay ipapasakamay sa court of origin.

Facebook Comments