Administrasyong Duterte, nabigo umano sa paggiit ng arbitral win ng Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea – VP Leni Robredo

Nabigo ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na igiit ang ating pagkapanalo laban sa China sa Hague ruling.

Ito ang sinabi ni Vice President Leni Robredo kasabay ng paggunita ngayong araw ng ika-limang taong anibersaryo ng ating arbitral win sa isyu ng West Philippine Sea.

Sa isang pahayag, sinabi ni Robredo na hindi ginamit ng pamahalaan ang Hague ruling bilang instrumento para ipakita ang ating karapatan sa pinag-aagawang teritoryo.


Sa kabila nito, hindi aniya mabubura sa kasaysayan ang panalo Ng pilipinas laban sa itinuturing na world power dahil sa lakas ng ekonomiya at ng militar ng China.

Noong Hulyo 12, 2016 nagwagi ang Pilipinas sa pamamagitan ng landmark ruling ng Permanent Court of Arbitration kung saan sinabi ditong walang basehan ang China sa kanilang pagkamkam ng ilang bahagi ng South China Sea.

Facebook Comments