Administrasyong Marcos, tiniyak na mas tututukan ang mga hakbang na magpapalago ng ekonomiya ng bansa

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na patuloy na ipaprayoridad ng kanyang administrasyon ang mga paraan o hakbang para sa mas malagong ekonomiya.

Ito ay matapos na manguna ang ekonomiya ng Pilipinas sa buong Asya sa 6% nitong projected Gross Domestic Product o GDP growth batay na rin sa ulat ng World Economic Outlook at inilabas ng International Monetary Fund nitong Abril.

Sa Official Facebook account ng pangulo, sinabi nitong lalo pang pagtutuunan ng pansin ng kanyang administrasyon ang mga hakbanging nakatuon sa pagpapaunlad ng ekonomiya para sa isang bagong Pilipinas.


Batay pa sa inilibas na ulat ng International Monetary Fund pangalawa and India at sinusundan ng China sa napasama sa top ranks sa buong ASEAN na may mataas na GDP growth.

Samantala, ang GDP ang sumusukat sa kabuuang produksiyon ng produkto at kung gaano kagaling ang ekonomiya ng isang bansa.

Sinasalamin nito ang kabuuang halaga sa merkado ng mga produkto at serbisyong nalikha ng ekonomiya sa isang partikular na panahon.

Kung mas malaki ang growth rate mas lumalakas ang ekonomiya; kung mas malakas ang ekonomiya, mas marami ang mamumuhunan sa bansa at mas darami ang trabaho.

Facebook Comments