Dating BuCor Chief Gerald Bantag, nais nang sumuko – DOJ

Nagpahayag na ng pagnanais na sumuko si dating Bureau of Correction (BuCor) Chief Gerald Bantag

Sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla na kinausap ni Bantag ang isa pang miyembro ng gabinete at nagsabing gusto na nitong sumuko.

Ayon kay Remulla, nangyari ang pag-uusap nina Bantag at ng cabinet member 5 o 6 na araw na ang nakalilipas.


Wala naman aniyang hinihiling na kondisyon si Bantag sa pagsuko nito.

Naniniwala ang kalihim na nasa Pilipinas pa rin si Bantag dahil may Hold Departure Order o HDO laban sa kaniya.

Facebook Comments