Manila, Philippines – Ibinalik sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang full authority sa overseas employment.
Ito ay matapos maglabas ng administrative order si Labor Secretary Silvestre Bello III na nag-aatas sa POEA tutukan ang mga bagay at usapin hinggil sa overseas employment concerns.
Base sa kautusan, ang mga aplikasyon na may kaugnayan sa recruitment at placement licenses ay ihahain na at ipo-proseso ng POEA.
Bukod dito, bibigyan din ng authority ang POEA na magbigay ng para sa age requirement para sa overseas workers.
Facebook Comments