AFF Championship, muling ipinagpaliban

Muling ipinagpaliban ang ASEAN Football Federation (AFF) Championship dahil sa Coronavirus pandemic.

Ayon kay AFF president Khiev Sameth, isasagawa na lamang ang nasabing torneyo sa Enero 1, 2022 bilang pag-iingat at para wala ng mahawaan ng virus.

Maliban sa torneyo, kinansela rin ng AFF ang paglulunsad nila ng bagong club competition na ASEAN Club Championship hanggang sa 2022 dahi sa maraming mga nagaganap na kompetisyon.


Una nang itinakda ang torneyo noong Nobyembre at ito ay inilipat sa Abril at Mayo ng susunod na taon.

Facebook Comments