PNP, mananatiling alerto laban sa NPA matapos ang anunsyo ng pangulo na walang holiday ceasefire sa pagitan ng CPP-NPA

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas na mananatili sa defense mode ang hanay ng PNP.

Ito ay matapos ang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya magdedeklara ng holiday ceasefire sa pagitan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ayon kay Sinas, kahit naman sa mga nakalipas na taon kung saan nagdedeklara ang pangulo ng ceasefire ay palaging naka alerto ang mga pulis dahil umaatake pa rin ang mga miyembro ng NPA.


Kaya naman ngayon, tinitiyak ni Sinas kung saan may presensya ng NPA ay patuloy na magdedeploy ng pulis ang PNP para mapigilan ang panggugulo ng mga ito.

Hindi aniya magbabago ang kanilang alerto laban sa mga komunistang grupo kahit pa panahon ng pasko.

Facebook Comments