AFP, aminadong natakasan ng Maute sa Marawi City

Manila, Philippines – Inamin ng Armed Forces of the Philippines na nalusutan sila ng teroristang Maute nang mabawi na nila ang Grand Mosque sa sentro ng Marawi City.

Ito kasi ang sinasabing stronghold o pinagkukutaan ng maute kung saan pinaniniwalaan din ng nakatago ang mga bihag na sibilyan.

Ayon kay AFP b/Gen. Restituto Padilla, isang buwan ang kanilang ginawang operasyon bago nila napasok ang Grand Mosque at posible aniyang bago pa ito nagawa ng militar at nakalipat na ng ibang lugar ang mga terorista.


Sa ngayon aniya ay posibleng nasa humigit kumulang 50 na lamang ang mga maute sa lungsod at nasa 30 naman ang hawak na bihag ng mga ito.

Matatandaan na binati ni Pangulong Duterte ang militar sa matagumpay na pagbawi sa Grand Mosque nang bumisita ito sa lungsod kamakalawa.

Facebook Comments