MANILA – Patuloy na inaalam ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng PNP-Scene of the Crime Operatives kung katawan nga ng Canadian hostage victim na si John Ridsdel ang bangkay na natagpuan sa Talipao, Sulu kahapon.Ito Ang sinabi ni Western Mindanao Command Spokesman Maj. Filemon Tan.Sinabi naman ni Tan na nagpunta na sa Sulu si AFP Acting Chief-of-Staff Lt. gen. Glorioso Miranda kasama ang ilang heneral para pag-usapan ang all-out offensive na iniutos ni Pangulong Noynoy Aquino laban sa mga Abu Sayyaf.Samantala, Inilipat na ng AFP kay Col. Jose Faustino Jr. ang pamamahala ng 501st brigade matapos ang pagbibitiw sa puwesto ni Brig. Gen Alan Arrojado.Kontrobersiyal umano ang pagre-resign ni Arrojado dahil nagkataon ito sa kasagsagan ng malawakang operasyon ng Afp laban sa mga bandidong pumatay kay Ridsdel.Matatandaang una na ring nagbitiw bilang Commander ng Joint Task Force Sulu si Arrojado dahil sa sunud-sunod na pagdukot ng mga bandido sa nasabing lalawigan.Pero ayon kay AFP-Public Affairs Chief Col. Noel Detoyato – personal ang dahilan ni Arrojado at ayaw na umano niyang magkomento tungkol dito.
Afp At Pnp, Bineberipika Pa Kung Katawan Ng Canadian Hostage Victim Na Si John Ridsdel Ang Natagpuan Sa Talipao, Sulu
Facebook Comments